No matter how the world changes there are things that you need to protect. Even though you can change your car, you don’t change love. No matter how cruel the world becomes, love shouldn’t change.

Cha Chi Soo (Flower Boy Ramyun Shop)

(via lexutourmouth)

 —WAY OF THE CROSS. 

     First time ko lang maexp yung Bisita Iglesia nung Thursday. Wala sa plano ko ang sumama pero ayun nakasama ako sa lola at tita kong magbisita iglesia. Kaya nga nung niyaya ako ng tita ko mejo naexcite ako. Kahit 3 oras lang yung tulog ko kasi maaga din akong ginising kasi kumain kami ng Tito ko kasama sila Papa at Jm sa Mcdo, sa isip isip ko “Keri lang yan! Para ke Bro!” 

Sabi ng Tita ko, magwish daw ako sa bawat simbahan na pupuntahan namin kasi magkakatotoo daw yun. Kaya napaisip ako. Ano bang dapat iwish? First thing na pumasok sa isip ko yun na yung winish ko sa 14 churches na pinuntahan namin. Di na kami nagManila. Buong Cavite at Tagaytay lang kami. Sobrang enjoy yung bisita iglesia. Kasi bukod sa makakapunta kami sa maraming simbahan para magdasal eh kasi may kasama ding roadtrip sa buong Cavite. Ngayon ko lang din talaga nalibot yung Cavite. Mejo nakakapagod at nakakaantok pero fulfilling by the end of the day. Nung dumating na kami Sto. Nino de Molino Church dito sa amin. Natuwa ako ng sobra kasi naman parang ang productive ko nitong Holy Week na ‘to. Paano ba naman di siya kagaya ng ibang Holy Week Experiences ko na sa bahay lang. Nood lang ng tv kasama buong pamilya. Eh ngayon naranasan ko ‘to, ang saya ko lang. Kasama ko pa Lola pati Tita sobrang enjoy. Siguro talagang destined ni Bro na makasama ako sa Bisita Iglesia na ‘to.   

(Kulang yung pictures. 14 churches dapat kaso di na niya kinaya) 

Nakakapagod talaga maghintay kahit kelan. Kauwe lang namin ni maamaa galing Robinson’s. Kinuha namin yung mini tab ng kapatid ko. Gusto ko rin nun. Padala yun ng tito namin sa kanya. Grabe dami pang eche bureche dun sa pinagkuhanan namin. So sa pagkakabilang ko, 2 hours kami dun. Mali mali kasi yung nabigay ng nanay ko. Jusmeh. Gutom na gutom na ko eh. Tapos paguwe namin wala naman masakyang jeep sa labas ng Rob. Kaya ng two ride na lang kami. Nakakatawa lang nung sumakay kami sa panglawang jeep eh may lalaking ewan na nagpapatugtog. Dun siya sa side katabi ng driver. Ang pinakamalupet dun mga kanta ng SHINee yung soundtrip niya tas ang lakas pa. May namiss na naman ako dahil ke kuya. Lalo sumakit yung ulo ko dahil sa kanya.  

Kaya mahal ko si Ate eh. Alam yung mga peyborit ko.Mehehehehe. Feeling ko wala na kong iba pang naitutulong dito sa bahay kundi hindi magsayang ng grasya. :3

Kaen tayo guyths!  

Nakakasawa man ang masaktan. Pero dahil sa mga yun marami tayong natutunan.

#rf  #sakit  

MISS.

May namimiss ako ng sobra. Ngayon ko lang naisip kung gaano ko siya namimiss. Iniignore ko na nga lang kung may makikita man akong tungkol sa kanya e. Kase naman. Pero seriously, mahirap kapag may namimiss kang tao. Napapaisip ka na lang bigla. Tatahimik bigla. Parang tanga sa madaling salita. Lol. Grabehan naman yun. Busy kase siya sa ibang bagay e. Pero naaalala ko dati lagi kaming nagpupuyatan sa text. Tapos lagi ko siyang natutulugan. Nakakamiss yun. Sayang busy kasi siya e. Wala tuloy ako masyadong makausap pag gabi. Well, sana namimiss niya rin ako. :)  

Habang binibigyan ka pa ng puso ng rason para magmahal. Magmahal ka lang. Pero kung nauubusan. Itigil mo na. Napapagod din yan.

#Kowts  #Wait  

Lahat ng PAGMAMADALI.

Maaring magresulta sa isang PAGKAKAMALI. 

Nakakatuwang isipin na kahit ilang beses ka ng nasaktan.

Hindi pa rin tumitigil yang puso mong magmahal ng walang katapusan. <3

MAGANDANG AFTERNOON :”>

Namiss ko magpost. Napakainactive ko lang naman. Busy busyhan kasi sa school eh. Pero naman BAKASYON NA O! Masayang malungkot. Nagsisimula na kalbaryo ko. Emahgahd. Sandamakmak na ang utos. :(( SHITS.  

Always look on both sides.

Be fair. Pakinggan mo explanations ng both sides. Di yung half pa lang ng story yung nalalaman mo e magagalit ka na. Ang panget lang kasi pag ganun ka. Di ka open-minded. Pinangungunahan mo ng galit. Ok sabihin na nating nagkamali nga yung tao, nakakabadtrip talaga yung ginawa niya sayo pero kung may explanation naman siya dapat makinig ka di ba? 

Huwag mong antaying magsawa siya sayo.

Sige ka ikaw din. Alam mo namang lagi namang nasa HULI ang PAGSISI.   

#wd  #rant  #pagsisisi